Cutthroat

Ang ingay.
Iba’t ibang tao, pare-parehas ang sinasabi,
May pumapasok, may lumalabas.
Isinusuka ang mga salitang hindi kayang isalba ang aking pagkatao,
Kinukutya ng mga bulong na nagmumula sa isang sulok ng aking utak,
Nanggigiit sa galit,
Naiinggit,
Naiinis,
Bakit ba hindi ako sila?
Silang magagaling,
Silang laging tama,
Silang bundat sa mga papuri ng iba,
Silang nabubusog sa pagka-hambog.

Advertisements