Fandom

Nang ako ay mahiga sa buhanginan,
Nadali ng malutong na hampas ng alon ang aking dibdib,
Kasabay nito ang paglagapak ng iyong katawan sa aking pagkatao,
Na sa isang iglap ay napagkaitan ng hangin.

Parang pangarap na mahirap abutin, gusto talaga kita noon,
Minsan binuo mo ang kwentong kulang-kulang sa loob ng aking utak,
Pero ngayong nasa tabi kita parang hindi tama,
Kasi upang sumaya, ang hinihingi sa akin ng pagkakataon ay magkasala.

Nakita ko ang aking sarili na nakatitig sa kawalan,
Nagpapaakit sa iba’t ibang posibilidad,
Na naka-ukit sa ulap habang nagbabadya ang ulan,
Habang naghahandang saluhin ang mga patak ng tubig na manggagaling sa kalangitan.

Ayun na nga at sumuko rin sa mga pinaniniwalaang pangangailangan,
Kumawala sa porselas kung saan nakapiit ang aking mga kamay,
Naghubad para palayain ang kaluluwa na nakakulong sa aking katawan,
Hinayaan ang utak na magpa buyo sa hindi maubos ubos na mga tukso.

Pagkalagapak ng katawan mo sa aking pagkatao,
Hindi lang hangin ang nawala sa paligid,
Ang oras, ang tibok ng puso, ang mga emosyon, ang pagsisisi… lahat ng ito ay naglaho,
Sa mga oras na iyon, nalaman ko rin na malabo pa para sa akin ang magbago.

Advertisements