Walang katapusang paalam

Sa bawat pag-tipa ng tuldok,
lagi na lang nasusundan ng tandang pananong.
Parang silang naghahabulan,
parang mauubusan ng oras sa gitna ng mundo
na walang katapusan.

Hindi na kita susundan kahit na gusto ko pa,
ayoko maging parang aso na ulol,
na hahabulin ang ayaw mag-pahabol,
dahil kahit huminto ka pa,
kung hindi mo talaga ako gusto, para saan pa?

Kaya nga ayoko ng ellipses,
Minsan hindi mo alam kung may katuloy pa ba,
o may mga bagay na hindi pa nasasabi,
habang ang puso ko’y nasasaktan,
at ang pangalan mo,
masakit pa ring binibigkas ng aking mga labi.

Advertisements