A friendly reminder

Ano na ang nangyari sa iyo?
Saan ka na napunta?
Ang sabi mo malayo ang iyong pupuntahan,
Bakit nandito ka pa rin?

Sa bandang malayo, pinagmamasdan kita,
Ang bagal ng lakad mo,
May humihila ba sa iyo paatras?
Kasi parang wala namang harang sa dinadaanan mo.

O baka hindi ko lang nakikita,
Ikaw lang naman ang nakakaramdam ng pinagdadaanan mo,
Pero sabi nga nila, kung malaki talaga iyan,
Daanan mo lang, wag mong tambayan.

 

TGIF. @ DBP press office. Want to escape earth. 

Advertisements