Landian

Hindi nakikisama ang tadhana,
sa mga gusto kong mangyari,
Bigla ka pa kasing dumating,
at pumatong sa patong-patong na pangarap.

Hindi naman sa hindi kita gusto,
hindi ko lang gusto na nagustuhan kita,
nagpapapilit pa ang puso ko,
natatakot yatang masaktan.

Medyo nahihiya rin ako sa’yo,
baka sabihin mo ang tanga-tanga ko,
medyo lang siguro,
hindi naman ata masyadong halata.

Matatapos na naman ang isang araw,
Ikaw na naman ang nasa tuktok ng utak,
Nakikipaglaban sa mga tukso ng imahinasyon,
May giyera na ulit sa aking isipan.

Puro landian, walang napapala,
Pero masaya naman di’ba?
Wala akong kasalanan, nangyari na lang,
pero ikaw na, ikaw na talaga, ang pogi pogi mo kasi. Tangina.

Advertisements