Palpitations

Uminom ako ng kape kaninang umaga,
Nag-papalpitate na naman ang puso ko,
Kagaya ng naramdaman ko noong unang beses kitang makita,
Hindi makahinga, nakatulala, hindi makapaniwala.

Balak ko tuloy tumakbo ng mabilis,
Uunahan ko ang tibok ng aking sentimental na puso,
Kakalimutan ko na ang hulma ng iyong anino,
At ang alon ng boses mo na lumagapak sa buhangin
Na aking hinihigaan.

14/09/2015
Isang nakakatamad na lunes

Advertisements