Pag-ibig sa kabilang mundo

Dinadalaw na naman ng sakit,
Marahil sa sobrang lungkot?
O di kaya’y dahil sa sobrang kalayaan,
Na siyang dahilan ng sobrang paglimot?

Nang ang puso’y manirahan sa mga panaginip,
Hindi nito ninais na manatili ng matagal,
Sa mga pangako ng imahinasyon,
Kung saan sa pagdilat naglalaho ang buong mundo.

Kung ang utak man ay magising,
Tinatawag pa rin ng saya at hiwaga,
sa mga storya sa likod ng mga kamay na pagal,
Na ang nais lang ay huminto.

Bakit mo hinahabol ang pag-ibig?
Samantalang ito’y nariyan lang sa iyong isipan,
Kung ang imahe nito ay nakikita na ng mga mata,
Wala ng saysay ang balat, na nilikha para makaramdam.

Kung nasaan ang totoong daan,
Nandoon din ang sakit na bumabalot sa katawan,
Pero ang aliw sa kabilang mundo’y walang katapusan,
Hangga’t abutan pa ng pagsikat ng araw.

Advertisements