Hanggang ngayon ikaw

Palayo ka ng palayo,
Habang ako’y papalapit ng papalapit sa realidad,
Bakit unti-unti kang nawawala?
Sa tuwing pinipilit ko na ikaw ay manatili.

Handa naman ako na malunod,
Sa kahit anong bagay na ika’y may kinalaman,
Nang dahil sayo nais kong manirahan sa aking panaginip,
Kung saan ikaw ay naroroon, magdamag hanggang umaga.

Wag ka ng umalis sa aking isipan,
Ayoko ng realidad, ikaw lang ang aking gusto,
Sa tuwing naiisip ka, ako ay napapaluha,
Matatapos na naman ang araw na ikaw pa rin ang nasa isip.

Kinabukasan, ikaw na naman,
Ang aking agahan, pananghalian, at hapunan,
Ang gasolina sa tumatakbo kong isipan,
Pero paubos na itong lahat, habang ako’y unti-unting nagigising.

Kung ako papipiliin, mananatili ako sa piling mo,
Pero paano naman ako makakausad,
Kung hanggang ngayon, hindi mo man lang alam,
Na ikaw ang nagpapaikot sa aking mundo.

Advertisements