Pagbabalik

Sinuko ko ang aking sarili,
Sa mga alaala ng kahapon,
Maluha-luhang tinanggap,
Na ikaw ay wala na.

Pinikit ang mata,
Pumatak ang luha,
Naninikip ang dibdib,
Sa mga nagsisiksikang alaala.

Hanggang kailan,
Na ako’y maghihintay,
Sa pagbabalik ng aking sarili,
Na tinangay mo sa iyong paglisan.

 

Advertisements